Jeepney ng Panaginip

 

995617_727007400732025_7384574121377491282_n

Sumakay ako sa Jeepney,
Nasa kabilang upuan ay napansin kong
nakaupo ka din pala at may itinatanong ka sa akin
ngunit di ko marinig,
May itinatanong din ako,
Ngunit di ko din madinig ang aking sarili.
Nakakatawa (tuwa?) di ba?
Ngunit parang ganoon lang,
at nagkaintindihan din.
Isa palang panaginip.
Hanggang dito ba naman?
Nakakatawa, bumaba ako sa kanto upang umuwi
Sa dati naming tirahan (na wala na ngayon)
At upang maka – alpas sa iyo ay nagmadaling kumaripas.
Nadatnan ko ang aking Lola,
(Na mukhang mas bata kaysa sa ngayon)
Nakita ka daw nya, at kilala ka daw nya,
Lalaking kasabay ko sa jeepney ng panaginip.
At ako ay nagising sa aking mahabang idlip.
Magaan ang pakiramdam,
kilala ka ng aking Lola, marahil ay
kilala din kita, sa panaginip nga lang.

← →

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *