Buntong Hininga

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

благодарность

Hala, totoo ba ang kulam at gayuma? Natawa naman ako sa sinabi mo. Sabi ng Lola ko, totoo daw na may mga mangkukulam. Hala baka kinulam mo ako.

Kasi di na kita nakalimutan, kahit na sinasabi nila na hindi daw tayo bagay. Kunsabagay, may point sila (hehe) jokes are half meant daw. Seriously, hindi pa ako nakakakita ng taong kasing tyaga at kasing kulit mo. Pero effective naman, dahil naappreciate ko ang paraan mo ng pagsuyo sa akin. Pero ang pinakahinangaan ko sa iyo, ay kung paano mo ako pinaglaban sa lahat ng tao, kahit bata pa tayo noon, parang ikaw si superman, di mo naisip kung ano ang sinuong mong sitwasyon.

Hindi totoo ang kulam, at ang gayuma. Kahit ang Lola ko ay saludo sa tapang  ng loob mo. Buti na lang ikaw, buti na lang tayo.

Dalawampu’t apat na taon na pala. Dig mo?

For my Valentine.

1 thought on “Buntong Hininga”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *