Cool-Off

Share
  • 8
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    8
    Shares

 

Sorry, patawad, hindi ko din mawarian,
kung bakit andito pa ako kung saan mo iniwan;
paano nga ba ang proseso, upang ika’y kalimutan?
Minsan sarili ay di ko maintindihan.

Sandaang taon na ang lumipas,
Lahat ng litrato natin ay sadyang kumupas,
Ngunit sa bawat panaginip,
Parang birong sumasagi sa isip;

Teka nga muna, kailangan nang lumisan,
May mga bagay na walang hahantungan,
Kaya’t paalam, mapagbirong wakas
Upang lisanin ang malabong bukas.

Itanong mo sa buwan nang iyong malaman,
Lahat ng di sinabi ay may kapaliwanagan,
Bawat pagdating ay may paglisan,
Tila tadhana ay nakipagbiruan lang.

#cool-off #tula #kathangisip
#contemporaryTagalog #poem

-In memory of the 1990 earthquake in Luzon that rocked my world.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *