Langit at Lupa (Edited)

Share
  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Daig pa ng kunyaring ulap
tumakip ang  hangin, at hangarin-
sa gitna ng alapaap
parang litratong di tunay-
pilit na sinikap paglapitin
kapangayarihan ng Photoshop
ngunit ang mga patlang sa gitna
na pilit mang tanggalin,
at pagugnayin –
ay ukol sa pagkakaibang di man mapapansin,
langit at lupa, bata – matanda,
mayaman – dukha,
nakahawlang mga kaluluwa,
walang bukas na naghihintay,
Mapagkunwaring pag-uugnay-
sa larawan lamang maaring magpantay.

-Cricket

Langit at Lupa.
Tula sa Tagalog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *