Pag-Aantay

sunrise 3

Kahapon lamang ay andito, ngunit bukas ay palaging kailangang maglayo. Sanay na naman ako. Pero minsan ay parang paulit ulit din ang sakit ng paglisan.

Kailangang maging matapang, ngunit minsan, mas makapangyarihan ang pangungulila kaysa sa pangarap. Madalas ay nagtatanong kung bakit pa kailangang maglakbay palayo sa ating sarili upang makita ang pag-asa na hindi natin kayang mabuo sa pamamagitan ng pagmamahal. Sabi nila, hindi na daw kasi nakakabuhay ang pagmamahal lang. Minsan kailangan nating mangarap, ng magkalayo.

Di ko na nga masukat ang pighati at pag-aalala. kahit ang katawang lupa ay sumusuko sa paminsang pag-iisa, at madalas na parang nanghihina sa matagal na paghihiwalay.

Pero may pangakong binitiwan at iyon ay sagrado, na syang magtatawid sa ating bukas. Katulad ng dati, ako ay mag-aantay. Pipiliting maging matibay, kaysa sa lagnat na gumagapi sa akin ngayon. Bukas ay panibagong araw.

Hanggang sa muli.

← →

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *