Paglimot

Share
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mga sulat sa hangin.

file0001171286526

Malayo man ang tanaw, malalim man ang pinagmumulan, ako ay isang nawawalang kaluluwa sa gitna ng kasiguraduhan ng lahat ng bagay. Matapang ako at kaya ko mag isa, pero minsan ay masakit din palang magtanggal ng balat-kayo. Tao rin pala ako, nasusugatan, naiipit, umiiyak, nalulungkot at naghahanap ng sagot sa mga tanong.

 

Hindi ko kayang madinig ang katahimikan, na parang may nawawalang boses na dati rati ay nadidinig at nauulinigan. Sana ay makayanan ang sakit ng kawalan, at malagpasan ang bawat araw na may pag -asa at lakas na lumaban sa kung anong sumaping kalungkutan na walang tigil na bumabalot sa kamalayan.

 

Gusto ko mang pagsisihan ay walang nagtatakda ng kapalaran kung hindi ang batas ng ngayon. Kahapon ay tapos na at naitulog na ng mahimbing. Bukas ay may pangakong nag aantay, ngunit paano kung hindi buo ang kasayahan? Paano kung may bahagi ng buhay na kailangang iwanan upang umusad?

 

IIsang buhay, iisang puso na hinati sa dalawampung kisap-matang  pag-aalala. Sana ay matunton pa din ang nawawalang bakas ng iyong masasayang alaala. Sana nga.

 

Nais ko nang magpahinga sa iyong duyan, sa ilalim ng mga puno na hitik na hitik sa masayang mga dahon at pahina.

b153bcecc27915235aa0ea22b4d7c6ff

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *